Sorry
Sorry dahil natakot ako, sorry dahil naduwag ako, sorry dahil sumuko agad ako. SORRY… Hirap na hirap na kasi ako. Mahal na mahal kita pero wala akong nagawa para ipaglaban ka. Ako na ito agad sumuko. Gusto ko na bigyan yung sarili natin ng oras. Oras para mag isip, oras para mag focus sa mga bagay na dapat nating unahin. Mahal na mahal kita, pinili ko na hindi na lang ituloy to dahil hindi ko alam kung masaya pa ba ako. Ang hirap dahil umabot tayo sa ganito. Parang kahapon lang, nandito ka sa tabi ko nakayakap sakin, yung saya na hindi ko maipaliwanag kapag kasam kita, yung mga pagkakataon na nandyan ka palagi kapag kailangan kita. Lahat yun mamimiss ko. Salamat sa lahat, mamimiss kita :(
Laro tayo! Manhid-manhidan. Kunwari, hindi mo nararamdaman. Kunwari, hindi ako nasasaktan.
Siguro nga nagseselos lang ako.
Ibig ba sabihin naprapraning na ako o talagang wala lang akong tiwala sayo?Sinusubukan ko naman huwag mag-isip ng masama at balewalain ang aking kutob para lang hindi ka mawala sa akin. Hanggang kailan nga ba pwedeng maging masaya ang dalawang nilalang kung alam nilang pareho may tatlong taong nagmamahal sa iisang relasyon?
ekasitangaako asked: Hello. Namiss kita! :)
Yieee! May nakakamiss sakin dito. Hahaha :))
Sa buhay di naman kailangan maghintay,maghanap,at mamilit ng taong mamahalin.
Kailangan mo lang gawin ay makuntento sa bawat bagay o tao na dumadating sayo sa araw araw katulad ngayon may mga taong nagpapasaya sayo na kailangan mong pagtuunan ng pansin minsan kasi kung sino pa yung gusto tayong pasayahin yun pa yung mga taong siyang nilalayuan natin. tapos darating yung araw na sila lang naman ang makakapagpatunay satin na may taong karapatdapat para satin.
ohgiovalencia asked: Welcome back! :)
Inunfollow mo pala ako, panget? Hmmmp. Anyways, Thank you! Hehehe.
Nakakapang init talaga ng ulo yung mga taong sobrang kati ng dila. Daig pa babae sa pagka chismoso. Akala mo mapagkakatiwalaan, akala mo anghel nun pala may pagka dimonyo din. Ang hindi ko matangap eh yung gagawan ako ng kwento sa ibang tao. Mga punyateraaa!


